Pinapalawak ng palliative care ang prinsipyo ng hospice care sa mas maraming populasyon na maaaring makinabang mula sa pagtanggap ng ganitong uri ng pangangalaga nang mas maaga sa kanilang sakit. Ang aming palliative care program o CPR ay isang bagong modelo ng pangangalagang pangkalusugan na naghahatid ng isang antas ng pag-aalaga na wala dati. Ito ay isang pre-hospice service para sa mga pasyenteng na-diagnosed na may malalang kondisyon tulad ng congestive heart failure, (stage 4) cancer, COPD, at demensya. Para ito sa isang sandali sa buhay ng pasyente kapag ang traditional strategies at palliative strategies ay parehong mahalaga sa pasyente. Hindi tulad ng hospice care kung saan ang pasyente ay tumanggi sa agresibong paggamot kapalit ng ginhawa, sa aming palliative care program (CPR) walang partikular na paggamot ang ibinukod mula sa pagsasaalang-alang kasama ang opsyon sa agresibong paggamot.
Ang aming mga tipikal na palliative care na pasyente ay patuloy sa agresibong paggamot ngunit kasabay nito ay susuportahan ng aming CPR team upang i-manage ang mga epekto at kirot habang nasa bahay at umiiwas sa hindi kinakailangang pagpapa-ospital. Habang lumalala ang sakit ang pasyente ay maaaring pumili na umasa sa higit pang ginhawa at palliative care. Habang patuloy na lumalala ang karamdaman, ang palliative care ay maaaring humantong sa hospice care. Anuman ang yugto ng sakit, nagbibigay ang aming programa ng pinakamahusay na antas ng pangangalaga at pinahuhusay ang kalidad ng buhay ng pasyente.